Matthew 4:19
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he saith unto them, Follow me, and I will make you fishers of men.
In Context
20Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kaniya.
Cross References
Ezekiel 47:9Nag-uumpukan ang bawat nabubuhay na nilalang kung saan pumupunta ang tubig, magkakaroon ng maraming isda sapagkat dumadaloy roon ang mga tubig na ito. Gagawin nitong sariwa ang tubig alat. Mabubuhay ang lahat kung saan dumadaloy ang ilog.
Matthew 9:9Nang si Jesus ay umalis mula doon, nakita niya ang lalake na nagngangalang Mateo na nakaupo sa lugar ng paningilan ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo siya at sumunod sa kaniya.
Matthew 19:21Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.”
Mark 2:14Sa kaniyang pagdaan, nakita niya si Levi na anak ni Alfeo na nakaupo sa paningilan ng buwis at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo si Levi at sumunod siya sa kaniya.
Luke 5:27Pagkatapos mangyari ang mga bagay na ito, si Jesus ay umalis doon at nakita ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi, na nakaupo sa lugar kung saan siya nangongolekta ng buwis. Sinabi niya sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”
John 1:43Kinabukasan, nang si Jesus ay nais na umalis para pumunta sa Galilea, nakita niya si Felipe at sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.”