Matthew 19:21
Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nais mong maging ganap, humayo ka at ipagbili mo ang iyong ari-arian at ibigay sa mahihirap, at magkakaroon ka ng yaman sa langit. At halika, sumunod ka sa akin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:9Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos.
Job 1:1May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job; walang maipipintas kay Job at siya ay matuwid, may takot siya sa Diyos at tumatalikod sa anumang kasamaan.
Matthew 4:19Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo, sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”
Matthew 5:48Kaya dapat kayong maging ganap sapagkat ang inyong Amang nasa langit ay ganap.
Matthew 8:22Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin, hayaan mong ang patay ang maglibing sa sarili nilang patay.”
Matthew 16:24Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung sinuman ang nais sumunod sa akin, kailangan niyang ikaila ang kaniyang sarili, buhatin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.