Matthew 5:30
At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 5:29At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno.
Matthew 13:21Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
Matthew 18:6Ngunit ang sinuman ang magiging sanhi ng pagkakasala ng isa sa mga maliliit na bata na sumampalataya sa akin, mas mabuti para sa kaniya na talian ang leeg ng malaking batong gilingan, at dapat siyang ilubog sa kailaliman ng dagat.
Matthew 25:20Dumating ang utusan na nakatanggap ng limang talento at nagdala ng lima pang talento, at sinabi niya, “Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng lima pang talento.'
Mark 9:43Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay.
Luke 17:2Mas mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang gilingang bato at ihagis siya sa dagat, kaysa maging sanhi ng pagkakatisod ng maliliit na ito.