Matthew 6:13
At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 15:18Maghahari si Yahweh sa magpakailanman pa man.”
Deuteronomy 8:2Isasa-isip ninyo ang lahat ng mga kaparaanan ni Yahweh na inyong Diyos na nagdala sa inyo ng apatnapung taon sa ilang, para kayo ay ibaba niya, para subukin niya kayo para malaman kung ano ang nasa inyong puso, kung susundin ninyo ang kaniyang mga utos o hindi.
Deuteronomy 27:15'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
1 Chronicles 4:10Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at nagsabi, “Pagpalain mo nawa ako, at palawakin ang aking nasasakupan. Nawa ang iyong kamay ay suma akin; ilayo mo ako sa kasamaan upang hindi ko na kailangang makaranas ng hirap!” At sinagot ng Diyos ang kaniyang panalangin.
1 Chronicles 29:11Sa iyo, Yahweh, ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang katagumpayan, at ang karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang kaharian, Yahweh, at ikaw ang itinataas bilang tagapamuno ng lahat.
Psalms 41:13Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay purihin magpakailan pa man. Amen at Amen. Ikalawang Aklat