Mikas 1:11
Dumaan kayo sa kahubaran at kahihiyan, mga taga-Safir. Huwag kayong lumabas mga taga-Zaanan. Nagdadalamhati ang Bethezel, sapagkat kinuha sa kanila ang proteksiyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 16:2Gaya ng naggagalang mga ibon, gaya ng isang nakakalat na pugad, kaya ang mga babae ng Moab ay nasa mga tawiran ng Ilog Arnon.
Isaiah 47:2Kunin mo ang batong gilingan at gilingin mo ang harina; tanggalin mo ang iyong belo, punitin mo ang iyong magandang kasuotan, alisin mo ang takip ng iyong mga binti, tawirin mo ang mga batis.
Jeremiah 48:6Tumakas na kayo! Iligtas ninyo ang inyong mga buhay at maging tulad ng mga puno ng juniper sa ilang.
Ezekiel 16:37kaya tingnan mo! Titipunin ko ang lahat ng mga nakilala mong mangingibig, lahat ng inibig mo at lahat ng kinamuhian mo, at titipunin ko sila laban sa iyo sa lahat ng dako. Ilalantad ko sa kanila ang mga pribado mong bahagi upang makita nila ang lahat ng iyong kahubaran!
Micah 1:8Sa kadahilanang ito, mananaghoy ako at tatangis; Pupunta akong nakapaa at nakahubad; Tatangis ako na gaya ng asong gubat at magdadalamhati na gaya ng mga kuwago.
Zechariah 14:5At kayo ay magsisitakas pababa sa lambak sa pagitan ng mga kabundukan ni Yahweh, sapagkat ang lambak sa pagitan ng mga bundok na iyon ay aabot hanggang sa Azal. Tatakas kayo gaya ng pagtakas ninyo mula sa lindol sa panahon ni Uzias, hari ng Juda. Pagkatapos, darating si Yahweh na aking Diyos, at kasama niya ang lahat ng mga banal.