Micah 1:5
Ang lahat ng ito ay dahil sa paghihimagsik ni Jacob at dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel. Ano ang dahilan ng paghihimagsik ni Jacob? Hindi ba ang Samaria? Ano ang dahilan ng mga dambana ni Juda? Hindi ba ang Jerusalem?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 13:32Dahil kung ano ang kaniyang sinabi nang siya ay nagpahayag ng salita ni Yahweh laban sa altar sa Bethel, at laban sa lahat ng templo sa mga dambana sa mga lungsod ng Samaria, ay siguradong matutupad.”
2 Kings 16:3Sa halip, nilakaran niya ang landas ng mga hari ng Israel; sa katunayan, sinunog niya ang kaniyang anak bilang isang handog na sinusunog, ayon sa nakasusuklam na mga kaugalian ng mga bansa, na itinaboy ni Yahweh sa harapan ng mamamayan ng Israel.
2 Kings 17:7Ang pagkakabihag na ito ay naganap dahil ang mga Israelita ay nagkasala laban kay Yahweh ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanila mula sa lupain ng Egipto, mula sa kapangyarihan ng Faraon hari ng Egipto. Ang mga tao ay sumasamba sa ibang mga diyos at
2 Chronicles 28:2Sa halip, lumakad siya sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, gumawa rin siya ng mga metal na imahen para sa mga Baal.
2 Chronicles 28:23Sapagkat nag-alay siya sa mga diyos ng Damasco, mga diyos na tumalo sa kaniya. Sinabi niya, “Dahil tinulungan sila ng mga diyos ng mga hari ng Syria, mag-aalay ako sa kanila, upang matulungan nila ako.” Ngunit sila ang sumira sa kaniya at sa buong Israel.
Isaiah 50:1Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Nasaan ang katibayan ng paghihiwalay na ginamit ko para hiwalayan ang inyong ina? At kanino sa mga tagapagbili ko kayo pinagbili? Tingnan ninyo, pinagbili kayo dahil sa inyong mga kasalanan, at dahil sa inyong paghihimagsik, pinatapon ang inyong ina.