The Bible Software
bible.softwareMicahMicah 1 › Micah 1:6

Micah 1:6

“Gagawin ko ang Samaria na isang bunton ng pagkawasak sa parang, gaya ng isang lugar para sa taniman ng mga ubas. Hihilahin ko ang mga bato ng kaniyang gusali sa lambak; Bubuksan ko ang kaniyang mga pundasyon.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Therefore I will make Samaria as an heap of the field, and as plantings of a vineyard: and I will pour down the stones thereof into the valley, and I will discover the foundations thereof.

In Context

5Ang lahat ng ito ay dahil sa paghihimagsik ni Jacob at dahil sa mga kasalanan ng sambahayan ng Israel. Ano ang dahilan ng paghihimagsik ni Jacob? Hindi ba ang Samaria? Ano ang dahilan ng mga dambana ni Juda? Hindi ba ang Jerusalem?

7Ang lahat ng kaniyang mga larawang inukit ay magkakadurog-durog at lahat ng kaloob sa kaniya ay masusunog. Ang lahat ng kaniyang mga diyus-diyosan ay aking wawasakin. Sapagkat sa mga kaloob sa kaniyang prostitusyon ay tinipon niya ang mga ito at babalik ang mga ito bilang kabayaran sa babaeng nagbebenta ng aliw.”

Read all of Micah 1

Cross References

2 Kings 18:9Sa ika-apat na taon ni Haring Hezekias, na ika-pitong taon ni Haring Hosea na anak ni Ela hari ng Israel, nilusob ni Salmaneser na hari ng Asiria ang Samaria at pinalibutan ito.

2 Kings 19:25Hindi mo pa ba naririnig kung paano ko ito itinakda noon pa man, at ginawa ito noong sinaunang panahon? Ngayon ay tinutupad ko na ito. Narito ka para tibagin ang matitibay na lungsod at maging tumpok ng mga durog na bato.

Isaiah 25:12Ang iyong mataas na kuta ng pader ay ibaba niya sa lupa, sa alikabok.

Jeremiah 51:25“Tingnan mo, ako ay laban sa iyo, sa iyo na bundok, sa iyo na pumatay sa ibang tao—ito ang pahayag ni Yahweh—na winawasak ang lahat sa mundo. Hahampasin kita sa pamamagitan ng aking kamay at ihuhulog ka sa mga bangin. Pagkatapos ay gagawin kitang bundok na lubusang nasunog.

Lamentations 4:1Ganap na nawalan ng kinang ang ginto; nagbago ang pinakadalisay na ginto. Naibuhos ang mga banal na bato sa dulo ng bawat lansangan.

Hosea 13:16Nagkasala ang Samaria, sapagkat siya ay naghimagsik laban sa kaniyang Diyos. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; ang kanilang mga sanggol ay gugutayin ng pira-piraso at lalaslasin ang tiyan ng kanilang mga nagdadalang tao.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Micah 1:6

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Micah 1:5Micah 1Micah 1:7 →