Mikas 7:16
Makikita ng mga bansa at mapapahiya sa lahat ng kanilang kapangyarihan. Ilalagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig, ang kanilang mga tainga ay mabibingi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 29:9Dati ay itinitigil ng mga prinsipe ang kanilang usapan kapag dumadating ako; tinatakpan nila ng kanilang kamay ang kanilang mga bibig.
Psalms 126:2Pagkatapos napuno ang aming mga bibig ng tawanan at ang aming mga dila ng may awitan. Pagkatapos sinabi nila sa mga bansa. “Si Yahweh ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”
Isaiah 52:15kaya gugulatin niya ang maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya. Na kung saan sila hindi nasabihan, makikita nila, na kung saan sila hindi narinig, ay mauunawaan nila.
Ezekiel 38:23Sapagkat ipapakita ko ang aking kadakilaan at ang aking kabanalan at ipakikilala ko ang aking sarili sa mga mata ng maraming bansa, at malalaman nila na ako si Yahweh!”'
Micah 5:8Ang mga natitira kay Jacob ay mapapabilang sa mga bansa, kasama ng maraming tao. Tulad ng isang leon na kasama ng mga hayop sa kagubatan, tulad ng isang batang leon na kasama sa mga kawan ng tupa. Kapag daraan siya sa kanila, sila ay kaniyang tatapakan at pagpipira-pirasuhin sila at walang sinuman ang makapagligtas sa kanila.
Zechariah 12:9“Mangyayari ito sa araw na iyon na sisimulan kong wasakin ang lahat ng bansa na dumating laban sa Jerusalem.”