Micah 5:8
Ang mga natitira kay Jacob ay mapapabilang sa mga bansa, kasama ng maraming tao. Tulad ng isang leon na kasama ng mga hayop sa kagubatan, tulad ng isang batang leon na kasama sa mga kawan ng tupa. Kapag daraan siya sa kanila, sila ay kaniyang tatapakan at pagpipira-pirasuhin sila at walang sinuman ang makapagligtas sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
9Maitataas ang inyong kamay laban sa inyong mga kaaway at wawasakin sila nito.
Cross References
Genesis 49:9Si Juda ay isang batang leon. Anak ko, tapos ka na sa iyong mga biktima. Yumuko siya, yumukod siya katulad ng leon, katulad ng leona. Sino ang hahamon na gisingin siya?
Psalms 2:9Wawasakin mo sila gamit ang isang bakal na setro; dudurugin mo sila tulad ng isang banga ng magpapalayok.”
Psalms 110:5Ang Panginoon ay nasa iyong kanang kamay. Papatayin niya ang mga hari sa araw ng kaniyang galit.
Hosea 5:14Kaya magiging tulad ako ng isang leon sa Efraim, at tulad naman ng isang batang leon naman sa sambahayan ng Juda. Ako, maging ako, ang gugutay at aalis; ako ang mag-aalis sa kanila at walang sinuman ang makapagliligtas sa kanila.
Micah 4:13Sinabi ni Yahweh, “Tumindig ka at gumiik, anak na babae ng Zion, sapagkat gagawin kong bakal ang iyong sungay at gagawin kong tanso ang iyong mga kuko. Dudurugin mo ang maraming tao. Itatalaga ko ang kanilang mga kayamanan na kinuha sa hindi makatarungang pamamaraan at ang kanilang mga ari-arian sa akin, ako si Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo.”
Zechariah 10:5Magiging kagaya sila ng mga mandirigmang tinatapakan ang kanilang mga kaaway sa maputik na mga daan sa labanan; makikipagdigma sila sapagkat nasa kanila si Yahweh, at ipahihiya nila ang mga nakasakay sa mga kabayong pandigma.