Micah 7:18
Sino ang Diyos na gaya mo, ikaw na nag-aalis ng kasalanan, ikaw na pinapalagpas ang mga pagkakasala ng mga natira ng iyong mana? Hindi mo pinapanatili ang iyong galit magpakailanman, dahil gustong-gusto mong ipakita sa amin ang iyong kasunduan ng katapatan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 33:18Sinabi ni Moises, “Pakiusap ipakita mo sa akin ang inyong kaluwalhatian.”
Exodus 34:9“Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
Numbers 23:21Wala siyang nakikitang paghihirap kay Jacob o kaguluhan sa Israel. Kasama nila si Yahweh na kanilang Diyos, at sumisigaw sapagkat kasama nila ang kanilang hari.
Judges 10:16Lumayo sila mula sa mga dayuhang diyus-diyosan na pag-aari nila at sinamba si Yahweh. At hindi na niya matiis ang paghihirap ng Israel.
Nehemiah 9:17Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
Psalms 65:3Nananaig ang kasamaan sa amin; para sa aming mga kasalanan, patatawarin mo sila.