Micah 7:4
Ang pinakamahusay sa kanila ay tulad ng dawag, ang pinakamatuwid ay isang bakod na mga tinikan. Ang araw na inihula sa pamamagitan ng inyong mga bantay, ang araw ng inyong kaparusahan. Ngayon, ang kanilang pagkalito ay dumating.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 10:3Ano ang gagawin mo sa araw ng paghuhukom kapag dumating na ang pagkawasak mula sa malayo? Kanino ka tatakbo para magkubli at ilalagak ang iyong kayamanan?
Isaiah 55:13Sa halip na dawag, tutubo ang puno ng mirtel, at magiging para kay Yahweh, para sa kaniyang pangalan, bilang isang walang hanggang tanda na hindi mapuputol.
Jeremiah 10:15Walang silbi ang mga ito, ang gawa ng mga mangungutya. Malilipol sila sa panahon ng kanilang kaparusahan.
Ezekiel 12:23Kaya sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Lalagyan ko ng katapusan ang kasabihang ito upang hindi na ito magamit pa ng mga Israelita kailanman.' At ipahayag mo sa kanila, 'Nalalapit na ang mga araw at maihahayag ang bawat pangitain!'
Amos 8:2Sinabi niya, “Ano ang nakikita mo, Amos?” Sinabi ko, “Isang basket ng mga bungang pantag-araw.” At sinabi ni Yahweh sa akin, parating na ang katapusan ng aking bansang Israel; hindi ko na sila kaaawaan pa.
Luke 21:25Magkakaroon ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. At sa lupa, magkakaroon ng kapighatian sa mga bansa, na walang pag-asa dahil sa dagundong ng dagat at sa mga alon.