Isaiah 55:13
Sa halip na dawag, tutubo ang puno ng mirtel, at magiging para kay Yahweh, para sa kaniyang pangalan, bilang isang walang hanggang tanda na hindi mapuputol.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 5:6Pababayaan ko itong nakatiwangwang, at hindi ito mapuputol ni mabubungkal. Pero tutubuan ito ng madawag at matinik na halaman, uutusan ko rin ang mga ulap na hindi magpaulan dito.
Isaiah 41:19Sa ilang, ang sedro, ang akasya, at ang mertel, at ang puno ng oliba ay lalago; ako ang magsasanhi para lumago sa disyerto ang puno ng igos, puno ng pino, at ng saypres.
Isaiah 54:10Kahit na ang mga bundok ay maaring bumagsak at yayanigin ang mga burol, gayon man ang aking katapatan sa tipan ay hindi hihiwalay mula sa inyo, ni ang aking tipan ng kapayapaan ay mayayanig—sinasabi ni Yahweh, siyang naaawa sa inyo.
Isaiah 60:17Sa halip na tanso, ako ay magdadala ng ginto, sa halip na bakal ako ay magdadala ng pilak; sa halip na kahoy, tanso, at sa halip na mga bato, bakal. Maghihirang ako ng kapayapaan bilang inyong mga gobernador, at katarungan sa inyong mga namumuno.
Isaiah 61:3para ilagay sa lugar ang mga tumatangis sa Sion—para bigyan sila ng isang turban sa halip na mga abo, langis ng kagalakan sa halip na pagtatangis, isang balabal ng papuri kapalit ng isang espiritu ng kalungkutan, para tawagin silang mga puno ng katuwiran, ang pagtatanim ni Yahweh, para siya ay maaaring luwalhatiin.
Jeremiah 13:11Sapagkat gaya ng isang damit-panloob na dumikit sa baywang ng isang tao, ginawa ko ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda na kumapit sa akin, na magiging aking mga tao na magbibigay sa akin ng katanyagan, kapurihan at karangalan. Ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.