Micah 7:6
Sapagkat hindi igagalang ng isang anak ang kaniyang ama, ang anak na babae ay titindig laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyenang babae. Ang mga kaaway ng tao ay ang mga tao sa kaniyang sariling sambahayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 9:22Pagkatapos si Ham, na ama ni Canaan, ay nakita ang kahubaran ng kanyang ama at sinabi ito sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas.
2 Samuel 15:10Pero pagkatapos nagpadala si Absalom ng mga espiya sa lahat ng mga lipi ng Israel, na nagsasabing, “Sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, sa gayon dapat ninyong sabihin, 'Si Absalom ay hari sa Hebron.”'
2 Samuel 16:21Sumagot si Ahitopel kay Absalom, “Sumiping sa mga asawang alipin ng iyong ama na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo at maririnig ng buong Israel na naging isa kang mabahong amoy sa iyong ama. Pagkatapos magiging malakas ang mga kamay ng lahat ng kasama mo.
Psalms 55:12Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya.
Proverbs 30:17Ang mata na nangungutya sa isang ama at nasusuklam sa pagsunod sa isang ina, ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak sa lambak, at siya ay kakainin ng mga buwitre.
Jeremiah 12:6Sapagkat nagtaksil din sa iyo at labis kang tinuligsa ng iyong mga kapatid na lalaki at pamilya ng iyong ama. Huwag kang magtiwala sa kanila, kahit magsabi pa sila ng mga mabubuting bagay sa iyo.