The Bible Software
bible.softwareProverbsProverbs 30 › Proverbs 30:17

Proverbs 30:17

Ang mata na nangungutya sa isang ama at nasusuklam sa pagsunod sa isang ina, ang kaniyang mga mata ay tutukain ng mga uwak sa lambak, at siya ay kakainin ng mga buwitre.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

The eye that mocketh at his father, and despiseth to obey his mother, the ravens of the valley shall pick it out, and the young eagles shall eat it.

In Context

16Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.”

18May tatlong bagay na labis na kamangha-mangha para sa akin, apat na hindi ko maintindihan: ang daan ng isang agila sa langit;

Read all of Proverbs 30

Cross References

Genesis 9:21Uminom siya ng kaunting alak at nalasing. Siya ay nakahigang walang damit sa kanyang tolda.

Deuteronomy 21:18Kung ang isang lalaki ay may isang anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na hindi sumusunod sa boses ng kaniyang ama o sa boses ng kaniyang ina, at sinuman, kahit na siya ay kanilang itinutuwid, hindi nakikinig sa kanila;

Deuteronomy 28:26Magiging pagkain ang inyong patay na katawan ng lahat ng mga ibon ng kalangitan at ng mga mababangis na hayop ng mundo; wala ni isang mananakot sa kanila papalayo.

2 Samuel 18:9Nagkataong nakasalubong ni Absalom ang ilan sa mga sundalo ni David. Nakasakay si Absalom sa kaniyang mola at napadaan ang mola sa ilalim ng makakapal na sanga ng isang malaking punong kahoy at sumabit ang kaniyang ulo sa mga sanga ng puno. Naiwan siyang nakabitin sa pagitan ng lupa at ng langit habang nagpatuloy sa pagtakbo ang kaniyang sinasakyang mola.

2 Samuel 21:10Pagkatapos si Rizpa, ang anak na babae ni Aya, kumuha ng telang magaspang at nilatag sa kaniyang sarili sa bundok sa tabi ng patay na mga katawan, mula sa simula ng ani hanggang bumuhos ang ulan sa kanila galing sa langit. Hindi niya hinayaan ang mga ibon sa langit na galawin ang mga katawan sa araw o mga mababangis na hayop sa gabi.

Proverbs 23:22Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Proverbs 30:17

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Proverbs 30:16Proverbs 30Proverbs 30:18 →