Nahum 1:2
Si Yahweh ay mapanibughuing Diyos at mapaghiganti; si Yahweh ay mapaghiganti at puno ng poot; naghihiganti si Yahweh sa kaniyang mga kalaban, at ipinagpapatuloy ang galit niya sa kaniyang mga kaaway.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Ang pahayag tungkol sa Ninive. Ang Aklat ng Pangitain ni Nahum, ang Elkoshita.
Cross References
Exodus 34:7pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi.”
Leviticus 26:28ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
Deuteronomy 4:24Dahil si Yahweh na inyong Diyos ay isang apoy na lumalamon, isang selosong Diyos.
Deuteronomy 32:34Hindi ba ito binalak ng palihim na aking tinago, na natatakan kabilang ng aking mga kayamanan?
Deuteronomy 32:41Kapag hinahasa ko ang aking makintab na espada, at kapag nagsimula na ang aking kamay na magdala ng katarungan, maghihiganti ako sa aking mga kaaway, at gagantihan ko yaong mga napopoot sa akin.
Job 20:23Kapag naghahanda na siyang magpakabusog, ibubuhos ng Diyos ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon; papaulanin niya ito sa kaniya habang kumakain siya.