Nahum 1:3
Banayad si Yahweh sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan; hindi niya ipahahayag na walang sala ang kaniyang mga kaaway. Si Yahweh ay gumagawa ng kaniyang daan sa ipu-ipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay mga alabok ng kaniyang mga paa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 19:16Sa ikatlong araw, nang umagang iyon, mayroon kulog at kidlat at isang makapal na ulap sa itaas ng bundok at ang tunog ng isang napakalakas na trumpeta. Nanginig ang lahat ng tao na nasa kampo.
Numbers 14:18banayad si Yahweh kung magalit at sagana sa tipan ng katapatan. Pinapatawad niya ang kasamaan at pagsuway. Hindi siya magpapawalang sala kapag dadalhin niya ang parusa ng kasalanan ng mga ninuno sa kanilang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.'
1 Kings 19:11Sumagot si Yahweh, “Lumabas ka at tumayo sa bundok sa aking harapan.” Pagkatapos dumaan si Yahweh, at isang napakalakas na hangin ang humampas sa mga bundok at pinagpira-piraso ang mga bato sa harapan ni Yahweh, pero si Yahweh ay wala sa hangin. Pagkatapos ng malakas na hangin, isang lindol ang dumating, pero wala si Yahweh sa lindol.
Job 9:4Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? —
Job 38:1Pagkatapos tinawag ni Yahweh si Job sa malakas na bagyo at sinabi,
Psalms 50:3Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.