Nahum 1:8
Ngunit gagawa siya ng isang lubos na pagwawakas sa kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng isang malaking baha, at hahabulin niya sila hanggang sa kadiliman.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 2:9Gagabayan niya ang mga paa ng kanyang mga tapat, ngunit patatahimikin ang mga makasalanan sa kadiliman, sapagka't walang ni isa ang mananaig sa pamamgitan ng lakas.
Proverbs 4:19Ang daan ng masama ay katulad ng kadiliman- hindi nila alam kung ano itong kanilang kinatitisuran.
Isaiah 8:22Pagmamasdan nila ang lupa at makikita ang paghihirap, kadiliman at mapang-aping kalungkutan. Sila ay itataboy tungo sa lupain ng kadiliman.
Isaiah 28:18Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito.
Ezekiel 13:13Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, “Magpapadala ako ng napakalakas na hangin dahil sa aking galit at magkakaroon ng pagbaha ng ulan dahil sa aking poot! Ganap na sisirain ito ng ulan na may kasamang yelo dahil sa aking galit!
Daniel 11:10Magsisimula ng digmaan ang kaniyang mga anak na lalaki at magtitipon ng isang malaking hukbong patuloy na darating at aapaw na tulad ng isang baha, makakapasok at muling sasalakay hanggang sa kaniyang tanggulan.