Nahum 2:5
Tinatawag ng siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso ang kaniyang mga pinuno; natitisod sila sa isa't isa sa kanilang paglakad; nagmamadali sila upang lusubin ang pader ng lungsod. Inihanda na ang malaking kalasag upang pangalagaan itong mga manlulusob.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Pilit na binuksan ang mga tarangkahan sa mga ilog, at ang palasyo ay babagsak sa pagkawasak.
Cross References
Isaiah 21:5Hinahanda nila ang hapag kainan, nilalatag nila ang sapin at kumakain at umiinom; bumangon kayo, mga prinsipe, at pahiran ninyo ng langis ang inyong mga kalasag.
Jeremiah 50:29“Ipatawag ang mga mamamana laban sa Babilonia, ang lahat ng mga bumabaluktot ng kanilang mga pana. Magkampo kayo laban sa kaniya, at huwag hayaang may makatakas. Gantihan ninyo siya sa kaniyang mga nagawa. Gawin din ninyo sa kaniya ayon sa sukat na kaniyang ginamit. Dahil kinalaban niya si Yahweh, ang Banal ng Israel.
Nahum 3:3May mga lumulusob na mangangabayo, kumikislap na mga espada, kumikinang na mga sibat, mga tambak ng mga bangkay, mataas na tumpok ng mga bangkay. Walang katapusan sa mga katawan, natitisod ang mga manlulusob sa kanila.
Habakkuk 1:8Ang kanilang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi! Ang kanilang mga mangangabayo ay mula sa malayo kaya ang kanilang mga kabayo ay mabilis tumakbo—lumilipad silang gaya ng agila na nagmamadaling manakmal!