Nahum 2:4
Rumaragasa ang mga karwahe sa mga lansangan; mabilis silang pumaroo't pumarito sa mga maluluwang na mga lansangan. Para silang mga sulo, at tumatakbo sila na parang mga kidlat.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Proverbs 31:21Hindi siya natatakot sa lamig ng niyebe para sa kaniyang sambahayan, dahil ang kaniyang buong sambahayan ay nababalot ng pulang makapal na kasuotan.
Isaiah 66:15Kaya masdan ninyo, darating si Yahweh na may apoy, at ang kaniyang mga karwahe ay darating tulad ng malakas na bagyo para dalhin ang sidhi ng kaniyang galit at ang kaniyang pagsaway na may lagablab ng apoy.
Ezekiel 26:10Tatabunan ka niya ng alikabok ng napakaraming kabayo! Yayanig ang iyong mga pader sa tunog ng mga kabayo at mga gulong ng mga karwahe kapag pumasok na siya sa iyong mga tarangkahan gaya ng pagsalakay sa mga tarangkahan ng lungsod!
Nahum 3:2Ngunit ngayon naroon ang ingay ng pamamalo at tunog ng mga dumadagundong na mga gulong, tumitigidig na mga kabayo, at rumaragasang mga karwahe.