Nahum 3:10
Gayon pa man, dinala ang Tebes palayo; napunta siya sa pagkabihag; nadurog ang kaniyang mga batang anak sa dulo ng bawat lansangan; nagpalabunutan ang kaniyang mga kaaway para sa kaniyang mga mararangal na tao, at lahat nang kaniyang mga dakilang tao ay ginapos ng mga tanikala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 8:12Tinanong ni Hazael, “Bakit ka umiiyak, aking panginoon?” Kaniyang sinagot, “Dahil nalalaman ko ang kasamaan na iyong gagawin sa bayan ng Israel. Susunugin mo ang kanilang mga kutang tanggulan, at papatayin mo ang kanilang mga kabataang lalaki gamit ang espada, dudurugin ang kanilang mga maliliit na bata, at bibiyakin ang tiyan ng kanilang babaeng buntis.”
Psalms 137:8Anak na babae ng Babilonia, na malapit na ang pagkawasak— nawa ang tao ay pagpalain, kung sinuman ang magbalik ng kabayaran sa kung ano ang iyong ginawa sa amin.
Isaiah 13:16Dudurugin din ng pira-piraso ang kanilang mga anak sa kanilang harapan. Nanakawan ang kanilang mga bahay at huhulihin ang kanilang mga asawa at sisipingan.
Lamentations 2:19Tumayo at sumigaw ka sa gabi; sa pasimula ng oras ibuhos mo ang iyong puso tulad ng tubig sa harapan ng Panginoon. Itaas mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil ang buhay ng iyong mga anak na nakahigang mahina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.”
Ezekiel 29:7Nang mahawakan ka nila sa kanilang kamay, nabali ka at nagkaputol-putol at tinusok mo ang kanilang balikat, at nang sumandal sila sa iyo, dinurug mo ang kanilang mga hita at pinanginig mo ang kanilang balakang.
Joel 3:3Nagpalabunutan sila para sa aking mga tao, ipinagpalit ang batang lalaki para sa nagbebenta ng aliw at ipinagbili ang batang babae para sa alak upang sila ay makainom.