Nahum 3:4
Nangyayari ito dahil sa mahahalay na kilos ng magandang nagbebenta ng aliw, ang bihasa sa pangkukulam na siyang nagbebenta ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagbebenta ng aliw, at ang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang paggawa ng pangkukulam.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Isaiah 23:15Sa araw na iyon, makakalimutan ang Tiro nang pitumpung taon, tulad ng mga araw ng isang hari. Pagkatapos ng pitumpung taon may isang bagay na mangyayari sa Tiro tulad ng awit ng babaeng bayaran.
Isaiah 47:8Kaya ngayon pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kasiyahan at nauupo nang may kasiguraduhan, ikaw na sinasabi sa iyong puso, “Nabubuhay ako, at wala akong katulad; hindi ako mauupo bilang isang balo kailanman, maging ang maranasan ang mawalan ng mga anak.”
Isaiah 47:12Magpatuloy ka sa paggamit ng salamangka at maraming pangkukulam na tapat mong binibigkas mula pa nang iyong pagkabata; marahil ay magtatagumpay ka, marahil ay matataboy mo ang sakuna.
Ezekiel 16:35Kung gayon, ikaw babaeng bayaran, makinig ka sa salita ni Yahweh!
Revelation 18:2Sumigaw siya nang may malakas na tinig sinasabing, “Bumagsak! Bumagsak ang dakilang Babilonia!” Siya ay naging tirahan ng mga demonyo, tirahan para sa bawat maruming espiritu at tirahan para sa bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon.
Revelation 18:23Ang ilaw ng ilawan ay hindi na magliliwanag sa inyo kailanman. Ang mga tinig ng lalaking ikakasal at babaing ikakasal ay hindi na ninyo maririnig kailanman, dahil ang inyong mga mangangalakal ay ang mga prinsipe ng mundo at ang mga bansa ay nilinlang sa pamamagitan ng inyong pangkukulam.