Isaias 23:15
Sa araw na iyon, makakalimutan ang Tiro nang pitumpung taon, tulad ng mga araw ng isang hari. Pagkatapos ng pitumpung taon may isang bagay na mangyayari sa Tiro tulad ng awit ng babaeng bayaran.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
14Umungol kayo, kayong mga barko ng Tarsis; dahil nasira na ang inyong kanlungan.
Cross References
Jeremiah 25:9tingnan ninyo, magpapadala ako ng isang utos na tipunin ang lahat ng mga tao sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh—kasama ni Nebucadnezar na aking lingkod, ang hari ng Babilonia, at dalhin sila laban sa lupaing ito at ang bawat naninirahan dito, at laban sa lahat ng mga bansa na nakapalibot sa inyo. Sapagkat inihiwalay ko sila para sa pagkasira. Gagawin ko silang isang katatakutan, sila ang paksa ng mga panunutsot, at walang hanggang pagkawasak.
Jeremiah 25:22ang mga hari ng Tiro at Sidon; ang mga hari sa mga baybayin sa kabilang bahagi ng dagat;
Jeremiah 29:10Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kapag pinamunuan kayo ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon, tutulungan ko kayo at ipagpapatuloy ang mabuting salita ko para sa inyo upang ibalik kayo sa lugar na ito.
Ezekiel 27:25Ang mga barko ng Tarsis ang mga tagapagdala ng iyong mga kalakal! Kaya ikaw ay napuno lulan ng mabibigat na mga kalakal sa pusod ng mga karagatan!
Daniel 7:14Ibinigay sa kaniya ang karapatan upang mamuno, ang kaluwalhatian at ang makaharing kapangyarihan upang ang lahat ng mga tao, mga bansa, at mga wika ay dapat maglingkod sa kaniya. Walang hanggan ang kaniyang karapatang mamuno na hindi lilipas at hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian.
Hosea 2:15Ibabalik ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan, at ang lambak ng Achor bilang pintuan ng pag-asa. Sasagot siya sa akin doon gaya ng ginawa niya sa panahon ng kaniyang kabataan, gaya sa panahon nang lumabas siya sa lupain ng Egipto.