Nehemias 1:7
Kami ay namuhay ng may labis na kasamaan laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga kautusan, mga batas, at ang mga utos na inutos mo sa iyong lingkod na si Moises.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 27:34Ito ang mga utos na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai para sa mga bayan ng Israel.
Deuteronomy 4:5Tingnan ninyo, tinuro ko sa inyo ang mga batas at panuntunan, gaya ng iniutos ni Yahweh na aking Diyos, na dapat ninyong gawin sa kalagitnaan ng lupain kung saan kayo patungo para maangkin ninyo ito.
Deuteronomy 6:1Ngayon ito ang mga utos, mga batas, at mga panuntunan na iniutos sa akin ni Yahweh na inyong Diyos para ituro sa inyo, para sundin ninyo ang mga ito sa lupain na inyong pupuntahan sa Jordan para angkinin;
1 Kings 2:3Sundin mo ang mga utos ni Yahweh na iyong Diyos na lumakad sa kaniyang mga pamamaraan, na sumunod sa kaniyang mga alituntunin, kautusan, desisyon, at mga kautusan sa tipan, maging maingat na gawin kung ano ang nakasulat sa batas ni Moises, sa gayon magtatagumpay ka sa lahat ng gagawin mo, saan ka man pumunta,
2 Chronicles 27:2Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh, sinusunod ang lahat ng halimbawa ng kaniyang amang si Uzias. Pinigilan din niyang pumunta sa loob ng templo ni Yahweh. Ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa kanilang mga masasamang gawain.
Nehemiah 9:29Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.