Nehemias 13:26
Hindi ba si Solomon na hari ng Israel ay nagkasala nang dahil sa mga babaeng ito? Sa maraming mga bansa walang haring tulad niya, at siya ay minahal ng kaniyang Diyos. At ginawa siya ng Diyos na hari ng buong Israel. Gayunpaman, ang kaniyang mga dayuhang asawa ang nagtulak sa kaniyang magkasala.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 12:25kaya nagpadala siya ng salita sa pamamagitan ni Natan ang propeta para pangalanan siyang Jedidias, dahil mahal siya ni Yahweh.
1 Kings 3:13Binigay ko rin sa iyo ang hindi mo hiniling, ang parehong kayamanan at karangalan, para walang magiging katulad mo sa mga hari sa lahat ng iyong mga araw.
1 Kings 11:1Ngayon nagmahal si Solomon ng maraming dayuhang babae: ang anak na babae ng Paraon, mga babaeng Moabita, Ammonita, Edomita, Sidomita at mga babaeng Heteo—
1 Kings 21:25Walang katulad si Ahab, na ibinenta ang kaniyang sarili para gumawa ng kasamaan sa paningin ni Yahweh, na kaniyang asawa na si Jezebel ay inudyukan na magkasala.
2 Chronicles 9:22Kaya nahigitan ni Haring Solomon ang lahat ng mga hari sa buong mundo sa kayamanan at karunungan.
Ecclesiastes 7:26Natuklasan ko na mas mapait kaysa kamatayan ang sinumang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala. Sinumang nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kaniya, ngunit ang makasalanan ay makukuha niya.