Nehemias 2:3
Sinabi ko sa hari, “Nawa mabuhay ang hari magkailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha? Ang lungsod, ang lugar ng mga libingan ng aking ama, ay nananatiling giba, at ang mga tarangkahan nito ay winasak sa pamamagitan ng apoy.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Kings 1:31Pagkatapos, yumuko si Batseba na ang kaniyang mukha ay nasa sahig at nagpatirapa sa harap ng hari at sinabi, “Nawa ang aking panginoon na si Haring David ay mabuhay magpakailanman!”
2 Chronicles 28:27Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
Nehemiah 1:3Sinabi nila sa akin, “Silang mga nasa lalawigan na nakaligtas sa pagkabihag ay nasa matinding kaguluhan at kahihiyan dahil ang pader ng Jerusalem ay gumuho, at ang mga tarangkahan nito ay sinunog.”
Psalms 38:7Dahil dinaig ako ng kahihiyan, may karamdaman ang aking buong katawan.
Psalms 102:15Igagalang ng mga bansa ang iyong pangalan, Yahweh, at pararangalan ng lahat ng mga hari sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.
Lamentations 2:9Lumubog ang kaniyang mga tarangkahan sa lupa; winasak at sinira niya ang mga rehas ng kaniyang mga tarangkahan. Mula sa mga Gentil ang kaniyang hari at mga prinsipe, kung saan walang kautusan ni Moises. Maging ang kaniyang mga propeta ay walang masumpungang pangitain mula kay Yahweh.