Nehemias 6:9
Dahil gusto nilang lahat na takutin kami, nag-iisap na, “Bibitiwan ng mga kamay nila ang kanilang trabaho, at hindi ito magagawa.” Pero ngayon, O Diyos, palakasin mo ang mga kamay ko.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 30:6Labis na namighati si David, sapagkat nag-uusap ang mga tao tungkol sa pagbato sa kanya, dahil ang mga espiritu ng lahat ng tao ay nagdadalamhati, bawat tao para sa kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae; subalit pinalakas ni David ang kanyang sarili kay Yahweh, na kanyang Diyos.
2 Chronicles 32:18Sumigaw sila nang malakas gamit ang salita ng mga Judio sa mga taga-Jerusalem na nasa pader, upang takutin at guluhin sila, nang sa gayon, masakop nila ang lungsod.
Ezra 4:4Kaya pinahina ng mga tao sa lupain ang mga kamay ng mga taga-Judea; tinakot nila ang mga taga-Judea sa pagtatayo.
Nehemiah 6:14Alalahanin mo sina Tobias at Sanbalat, aking Diyos, at lahat ng ginawa nila. Alalahanin mo rin ang babaeng propetang si Noadias at ang iba pang mga propeta na sinubukan akong takutin.
Psalms 68:35O Diyos, ikaw ay kinatatakutan sa iyong banal na lugar; ang Diyos ng Israel—nagbibigay siya ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan. Purihin ang Diyos.
Psalms 138:3Sa araw na tumawag ako sa iyo, sinagot mo ako; pinalakas mo ang aking loob at ang aking kaluluwa.