Nehemias 6:8
Pagkatapos nagpadala ako sa kanya ng kasagutan na nagsasabing, “Walang ganyang mga bagay ang nangyari gaya ng sinabi mo, dahil sa loob ng iyong puso gawa-gawa mo lang ang mga iyan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 36:3Ang kaniyang mga salita ay makasalanan at mapanlinlang; ayaw niyang maging matalino at gumawa ng mabuti.
Psalms 52:2Nagbabalak ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa.
Daniel 11:27Ang dalawang haring ito ay uupo sa parehong hapag-kainan taglay ang kasamaan ng kanilang mga puso laban sa isa't isa, at magsisinungaling sa bawat isa, ngunit walang layunin. Sapagkat darating ang katapusan sa nakatakdang panahon.
John 8:44Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
Acts 25:7Nang siya ay dumating, nakatayo sa di kalayuan ang mga Judiong galing sa Jerusalem, at nagharap sila ng mga mabibigat na bintang laban sa kaniya na hindi nila mapatunayan.