Nehemias 8:6
Si Ezra ay nagbigay ng pasasalamat kay Yahweh, ang dakilang Diyos, at lahat ng mga tao ay itinaas ang kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen!” Pagkatapos, iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh na nakasayad ang kanilang mukha sa lupa.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:26Pagkatapos yumuko ang lalaki at sumamba kay Yahweh.
Exodus 12:27At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
1 Chronicles 29:10Pinapurihan ni David si Yahweh sa harapan ng lahat ng kapulungan. Sinabi niya, “Papurihan ka nawa, Yahweh, ang Diyos ni Israel na aming ninuno, magpakailanman.
2 Chronicles 6:4Sinabi niya, “Purihin nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel na nakipag-usap kay David na aking ama, at tinupad ito sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga kamay, sinasabi,
2 Chronicles 29:10Ngayon, nasa aking puso na gumawa ng isang kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang sa gayon ay maaaring mawala ang kaniyang matinding galit sa atin.
Nehemiah 5:13Ipinagpag ko ang tiklop ng aking kasuotan at sinabi, “Ganito nawa ipagpag ng Diyos mula sa kanyang bahay at mga ari-arian ang bawat taong hindi tutupad ng kanyang pangako. Ganito nawa siya maipagpag at mawalan.” Lahat ng kapulungan ay nagsabing, “Amen,” at pinuri nila si Yahweh. At ginawa ng mga tao ang ipinangako nila.