2 Chronicles 29:10
Ngayon, nasa aking puso na gumawa ng isang kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang sa gayon ay maaaring mawala ang kaniyang matinding galit sa atin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 23:3Tumayo ang hari sa tabi ng haligi at gumawa ng tipan sa harap ni Yahweh, na susunod kay Yahweh, at susundin ang kaniyang mga utos, mga batas ng tipan, at mga tuntunin, nang kaniyang buong puso at buong kaluluwa, para pagtibayin ang mga salita ng tipang ito na nakasulat sa aklat na ito. Kaya sumang-ayon ang lahat ng mga tao na panindigan ang tipan.
2 Chronicles 6:7Ngayon nasa puso ni David, na aking ama, na magtayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
2 Chronicles 23:16At gumawa si Joiada ng isang kasunduan, sa lahat ng tao at sa hari, na sila ay dapat maging mga tao ni Yahweh.
2 Chronicles 34:30Pagkatapos ay umakyat ang hari sa tahanan ni Yahweh, at ang lahat ng mga tao sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem, ang mga pari, ang mga Levita, at ang lahat ng tao mula sa mga dakila hanggang sa mga hamak. Binasa niya sa kanila ang lahat ng salita ng Aklat ng Kautusan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
Nehemiah 8:6Si Ezra ay nagbigay ng pasasalamat kay Yahweh, ang dakilang Diyos, at lahat ng mga tao ay itinaas ang kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen!” Pagkatapos, iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh na nakasayad ang kanilang mukha sa lupa.
Jeremiah 3:5Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!”