Nehemias 9:7
Ikaw si Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram, at ang naglabas sa kaniya sa Ur ng Caldea, at ang nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 11:31Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
Genesis 15:7Sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito.”
Deuteronomy 10:15Si Yahweh lamang ang nasiyahan sa inyong mga ama para ibigin sila, at pinili niya kayo, na kanilang mga kaapu-apuhan, na kasunod nila, kaysas sa sa ibang mga tao, gaya ng ginagawa niya ngayon.
1 Chronicles 1:27at Abram, na si Abraham.
Isaiah 41:9ikaw na ibabalik ko mula sa dulo ng mundo, at siyang tinawag ko mula sa malalayong mga lugar, at sa aking sinabihan, “Ikaw ang aking lingkod;” pinili kita at hindi tinanggihan.
Acts 7:2Sinabi ni Esteban, ''Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa akin: Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ama na si Abraham noong siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran;