Numbers 1:3
dalawampung taong gulang pataas. Bilangin mo ang lahat ng maaaring makipaglaban bilang mga kawal para sa Israel. Dapat ninyong itala ni Aaron ang bilang ng mga kalalakihan sa kanilang armadong mga grupo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:17Dapat ninyong pagmasdan ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura dahil sa araw na ito dadalhin ko ang inyong bayan, armadong grupo sa armadong grupo, palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya dapat ninyong sundin ang araw na ito sa lahat ng salinlahi ng inyong bayan. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo.
Numbers 3:15“Bilangin mo ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa bawat pamilya, sa mga tahanan ng kanilang mga ninuno. Bilangin mo ang bawat lalaki na isang buwang gulang at pataas.”
Numbers 14:29Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas.
Numbers 32:11'Tiyak na wala sa mga kalalakihang umalis mula Ehipto, mula dalawampung taong gulang pataas, ang makakakita sa lupaing aking ipinangako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, dahil hindi nila ako lubusang sinunod, maliban kay
Deuteronomy 3:18Inutusan ko kayo nang panahong iyon, na nagsasabing, 'Si Yahweh na inyong Diyos ay ibinigay sa inyo ang lupaing ito para angkinin ito; kayo, lahat ng tao ng digmaan, ay dadaan sa ilalim ng armado sa harapan ng inyong mga kapatid, ang bayan ng Israel.
2 Samuel 24:9Pagkatapos inulat ni Joab sa hari ang kabuuan ng bilang ng mga lalaking nakikipaglaban. Sa Israel, mayroong 800, 000 na matatapang na kalalakihang bumunot ng espada at ang mga tauhan sa Juda, 500, 000 kalalakihan.