Numbers 1:4
Ang isang lalaki mula sa bawat tribu, ang isang ulo ng angkan ay dapat maglingkod sa iyo bilang pinuno ng tribu. Dapat pangunahan ng bawat pinuno ang mga kalalakihang makikipaglaban para sa kaniyang tribu.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And with you there shall be a man of every tribe; every one head of the house of his fathers.
In Context
Cross References
Exodus 18:25Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo.
Numbers 1:44Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaking ito, kasama ang labindalawang kalalakihang namumuno sa labindalawang tribu ng Israel.
Numbers 4:34Binilang nina Moises, Aaron at ng mga pinuno ng mga sambayanan ang mga kaapu-apuhan ng mga Kohatita ayon sa mga angkan ng mga pamilya ng kanilang ninuno.
Numbers 7:10Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar sa araw na binuhusan ni Moises ng langis ang altar. Inialay ng mga pinuno ang kanilang mga handog sa harapan ng altar.
Numbers 13:2“Magpadala ka ng ilang kalalakihan upang suriin ang lupain ng Canaan na aking ibinigay sa mga tao ng Israel. Magpadala ka ng isang lalaki mula sa bawat tribu ng kanilang mga ninuno. Dapat pinuno ang bawat lalaki sa kanilang mga grupo.”
Numbers 25:4Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Patayin mo ang lahat ng pinuno ng mga tao at bitayin sila sa aking harapan upang ilantad sila sa liwanag ng araw, upang maalis ang aking matinding galit mula sa Israel.”