Numbers 1:53
Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 10:6Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
Numbers 3:7Dapat nilang isagawa ang tungkulin sa pangalan ni Aaron at ang buong sambayanan sa harap ng tolda ng pagpupulong. Dapat silang maglingkod sa tabernakulo.
Numbers 8:19Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
Numbers 8:26Maaari nilang tulungan ang kanilang mga kapatid na patuloy na gumagawa sa tolda ng pagpupulong, ngunit hindi na sila dapat maglingkod pa. Dapat mong atasan ang mga Levita sa lahat ng bagay na ito.”
Numbers 16:46Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin ninyo ang insensaryo, lagyan ito ng apoy mula sa altar, lagyan ito ng insenso, dalhin agad ito sa sambayanan, at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa kanila, dahil ang galit ay paparating mula kay Yahweh. Nagsimula na ang salot.”
Numbers 18:3Dapat silang maglingkod sa iyo at sa buong tolda. Gayunpaman, hindi sila dapat lumapit sa anumang bagay sa banal na lugar o may kaugnayan sa altar, o sila at ikaw rin ay mamamatay.