Numbers 8:19
Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18Kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel sa halip na ang lahat ng panganay.
Cross References
Exodus 12:50Kaya sinunod ng lahat ng mga Israelita nang lubusan ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
Numbers 1:53Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan.”
Numbers 16:46Sinabi ni Moises kay Aaron, “Kunin ninyo ang insensaryo, lagyan ito ng apoy mula sa altar, lagyan ito ng insenso, dalhin agad ito sa sambayanan, at gumawa ng pambayad ng kasalanan para sa kanila, dahil ang galit ay paparating mula kay Yahweh. Nagsimula na ang salot.”
1 Samuel 6:19Sinalakay ni Yahweh ang ilang kalalakihan ng Beth-semes dahil tumingin sila sa kanyang kaban. Pinatay niya ang pitumpung kalalakihan. Nagluksa ang mga tao, dahil binigyan ni Yahweh ang mga tao ng isang malaking dagok.
2 Chronicles 26:16Ngunit nang naging makapangyarihan si Uzias, nagmataas ang kaniyang puso kaya siya gumawa ng masama. Sumuway siya laban kay Yahweh, ang kaniyang Diyos, sapagkat pumasok siya sa tahanan ni Yahweh upang magsunog ng insenso sa altar ng insenso.