Numbers 14:10
Ngunit tinangka ng buong sambayanan na pagbabatuhin sila hanggang mamatay. Pagkatapos, lumitaw ang kaluwalhatian ni Yahweh sa tolda ng pagpupulong sa lahat ng mga tao ng Israel.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 16:10Nangyari na habang nagsasalita si Aaron sa buong komunidad ng bayan ng Israel, tumingin sila sa dako ng ilang, at pagmasdan, ang kaluwalhatian ni Yahweh ay lumitaw sa ulap.
Exodus 24:16Nanahan ang kaluwalhatian ni Yahweh sa Bundok ng Sinai, at tinakpan ito ng ulap sa loob ng anim na araw. Sa ikapitong araw tinawag niya si Moises mula sa loob ng ulap.
Leviticus 9:23Pumasok sina Moises at Aaron sa loob ng tolda ng pagpupulong, pagkatapos lumabas ulit at pinagpala ang mga tao, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa lahat ng mga tao.
Numbers 16:42At nangyari, nang nagkatipon ang sambayanan laban kina Moises at Aaron, na tumingin sila sa tolda ng pagpupulong at, tingnan mo, tinatakpan ito ng ulap. Nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh,
Numbers 20:6Kaya umalis sina Moises at Aaron mula sa harap ng kapulungan. Pumunta sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at nagpatirapa. Doon nagpakita ang makinang na kaluwalhatian ni Yahweh sa kanila.
Matthew 23:37Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon!