Numbers 14:9
Ngunit huwag kayong maghimagsik laban kay Yahweh at huwag kayong matakot sa mga tao ng lupain. Uubusin natin sila na kasindali ng pagkain. Maaalis mula sa kanila ang kanilang pananggalang, dahil kasama natin si Yahweh. Huwag ninyo silang katakutan.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:13Sinabi ni Moises sa mga tao, “Huwag kayong matakot. Manatili at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Yahweh na ibibigay sa inyo ngayon. Dahil hindi ninyo na makikita muli ang mga taga-Ehipto na nakikita ninyo ngayon.
Numbers 13:30Sinubukan ni Caleb na palakasin ang loob ng mga taong nakapalibot kay Moises. Sinabi niya, “Lusubin natin nang minsanan at kunin ito, dahil kayang-kaya nating sakupin ito.”
Numbers 20:2Walang tubig para sa sambayanan, kaya nagtipun-tipon sila laban kina Moises at Aaron.
Deuteronomy 1:21Masdan, itinakda ni Yahweh na inyong Diyos ang lupain sa inyong harapan; umakyat kayo, at angkinin ito, gaya ng sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, huwag matakot, ni panghinaan ng loob.'
Deuteronomy 7:18huwag kayong matakot sa kanila; alalahanin ninyo sa inyong isipan kung ano ang ginawa ni Yahweh na inyong Diyos kay Paraon at sa buong Ehipto;
Deuteronomy 9:7Alalahanin ninyo at huwag kalimutan kung paano ninyo ginalit si Yahweh na inyong Diyos sa ilang; mula sa araw na iniwan ninyo ang lupain ng Ehipto hanggang sa nakarating kayo sa lugar na ito, naging suwail kayo laban kay Yahweh.