Numbers 14:4
Sinabi nila sa bawat isa, “Pumili tayo ng isa pang pinuno at bumalik tayo sa Ehipto.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And they said one to another, Let us make a captain, and let us return into Egypt.
In Context
Cross References
Numbers 11:20ngunit kakain kayo ng karne sa loob ng buong isang buwan hanggang sa ito ay lumabas sa inyong mga ilong. Ito ang magpapadiri sa inyo dahil itinakwil ninyo si Yahweh, na siyang kasama ninyo. Umiyak kayo sa kaniyang harapan. Sinabi ninyo, “Bakit pa natin iniwan ang Ehipto?''''''
Deuteronomy 28:68Dadalhin kayo ulit ni Yahweh sa Ehipto sa pamamagitan ng mga barko, sa daan kung saan sinabi ko sa inyo, 'Hindi na ninyo muling makikita ang Ehipto.' Doon iaalok ninyo ang inyong sarili para ipagbili sa inyong mga kaaway bilang mga lalaki at babaeng alipin, pero wala ni isa ang bibili sa inyo.”
Nehemiah 9:17Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
Luke 17:32Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot.
Hebrews 10:38Mabubuhay ang matuwid kong lingkod sa pamamagitan ng pananampalataya. Kung tatalikod siya, hindi ako masisiyahan sa kaniya.”
2 Peter 2:21Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran kaysa malaman ito at pagkatapos ay tumalikod sa banal na kautusang ibinigay sa kanila.