Numbers 16:2
Tumindig sila laban kay Moises, kasama ng ibang kalalakihan mula sa mga tao ng Israel, dalawang daan at limampung pinuno ng sambayanan na mga tanyag na kasapi sa sambayanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:4Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
Numbers 12:1Pagkatapos, nagsalita sina Miriam at Aaron laban kay Moises dahil sa isang babaeng taga-Cus na napangasawa niya.
Numbers 27:3“Namatay ang aming ama sa ilang. Hindi siya kasama sa mga nagtipun-tipon laban kay Yahweh sa samahan ni Kora. Namatay siya sa kaniyang sariling kasalanan; ang kasalanan niya ang dahilan kung bakit siya namatay.
1 Chronicles 12:30Mula sa tribu ni Efraim ay may 20, 800 na lalaking mandirigma, mga lalaking tanyag sa sambahayan ng kanilang ama.
Ezekiel 23:10Hubo't hubad nila siyang hinubaran. Kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at mga anak na babae, at pinatay siya sa pamamagitan ng espada, at naging kahiya-hiya siya sa ibang mga kababaihan, kaya hinatulan nila siya.