Numbers 18:1
Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Ikaw at ang iyong mga anak na lalaki, at ang mga angkan ng iyong mga ninuno ang may pananagutan sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa laban sa santuwaryo. Ngunitt ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaking kasama mo ang may pananagutan sa lahat ng mga kasalanang nagawa ng sinuman sa pagkapari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 28:38Dapat nasa noo ito ni Aaron; dapat palaging siyang magdadala ng anumang pagkakasala na nakakabit sa pag-aalay ng banal na mga regalo ng mga Israelita na handog kay Yahweh. Dapat ang turbante ay palaging nasa noo niya para tanggapin ni Yahweh ang kanilang mga regalo.
Numbers 14:34Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
Numbers 17:7Pagkatapos inilagak ni Moises ang mga tungkod sa harap ni Yahweh sa toldang tipanan.
Numbers 18:22Simula ngayon hindi dapat lumapit ang mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong, o sila ay magkakaroon ng pananagutan sa kasalanang ito at mamatay.
Isaiah 53:11Pagkatapos niyang magdusa, makikita niya at masisiyahan sa pamamagitan ng kaalaman kung ano ang kanyang nagawa. Ang aking matuwid na lingkod ay ipawawalang-sala ang marami; dadalhin niya ang kanilang kasamaan.
Acts 20:26Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y walang sala sa dugo ng sinumang tao.