The Bible Software
bible.softwareNumbersNumbers 18 › Numbers 18:2

Numbers 18:2

Para sa kapwa mo miyembro ng tribu ni Levi, tribu ng iyong ninuno, dapat mo silang isama upang makasali sila sa iyo at tulungan ka kapag naglilingkod ka at ng iyong mga anak na lalaki sa harap ng toldang tipanan.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And thy brethren also of the tribe of Levi, the tribe of thy father, bring thou with thee, that they may be joined unto thee, and minister unto thee: but thou and thy sons with thee shall minister before the tabernacle of witness.

In Context

1Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Ikaw at ang iyong mga anak na lalaki, at ang mga angkan ng iyong mga ninuno ang may pananagutan sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa laban sa santuwaryo. Ngunitt ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaking kasama mo ang may pananagutan sa lahat ng mga kasalanang nagawa ng sinuman sa pagkapari.

3Dapat silang maglingkod sa iyo at sa buong tolda. Gayunpaman, hindi sila dapat lumapit sa anumang bagay sa banal na lugar o may kaugnayan sa altar, o sila at ikaw rin ay mamamatay.

Read all of Numbers 18

Cross References

Genesis 29:34Pagkatapos nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, sa pagkakataong ito, ang aking asawa ay magiging malapit na sa akin dahil nakapagsilang ako para sa kanya ng tatlong lalaki.” Kaya nga ang kanyang pangalan ay tinawag na Levi.

Numbers 3:9Dapat mong ibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Ganap silang ibinigay upang tulungan siyang maglingkod sa mga tao ng Israel.

Numbers 8:19Ibinigay ko ang mga Levita bilang isang regalo kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Kinuha ko sila mula sa mga tao ng Israel upang gawin ang gawain ng mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong. Ibinigay ko sila upang magbayad ng kasalanan para sa mga tao ng Israel upang walang salot ang pipinsala sa mga tao kapag lumapit sila sa banal na lugar.”

Numbers 16:40upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.

Numbers 18:4Dapat silang sumali sa inyo at pangalagaan ang tolda ng pagpupulong, sa lahat ng gawain na may kaugnayan sa tolda. Hindi dapat lumapit sa inyo ang isang dayuhan.

2 Chronicles 30:16Tumayo sila sa kanilang lugar ayon sa kanilang pangkat, sinusunod ang utos na nasa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na tinanggap nila mula sa mga kamay ng mga Levita.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Numbers 18:2

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Numbers 18:1Numbers 18Numbers 18:3 →