Numbers 19:12
Dapat linisin ng taong iyon ang kaniyang sarili sa ikatlong araw at sa ikapitong araw. At siya ay magiging malinis. Ngunit kung hindi niya nilinis ang kaniyang sarili sa ikatlong araw, hindi siya magiging malinis sa ikapitong araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
11Sinuman ang humipo sa bangkay ng kahit na sinong tao ay magiging marumi sa loob ng pitong araw.
Cross References
Exodus 19:15Sinabi niya sa mga tao, “Maging handa sa ikatlong araw; huwag kayong lalapit sa inyong mga asawa.”
Leviticus 14:7Pagkatapos ay iwiwisik ng pari ang tubig na ito nang pitong beses sa taong lilinisin mula sa sakit, at pagkatapos ay ihahayag ng pari na siya ay maging malinis. Pagkatapos ay pakakawalan ng pari ang buhay na ibon sa mga lantad na kabukiran.
Numbers 31:19Dapat kayong magkampo sa labas ng kampo ng Israel sa loob ng pitong araw. Lahat kayong nakapatay ng sinuman o nakahawak ng anumang patay na tao—dapat gawing dalisay ang inyong sarili sa ikatlo at ikapitong araw—kayo at ang mga bihag ninyo.
Ezekiel 36:25Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan.
Acts 15:9at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya.
Revelation 7:14Sinabi ko sa kaniya, “Alam po ninyo, ginoo,” at sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero.”