Numbers 19:13
Sinumang humipo sa isang patay na tao, ang katawan ng taong namatay, at hindi niya nilinis ang kaniyang sarili—dinudungisan ng taong ito ang tabernakulo ni Yahweh. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa Israel dahil hindi naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan. Mananatili siyang marumi; mananatili sa kaniya ang kaniyang pagkamarumi.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:3O kung makakahawak siya ng karumihan ng isang tao, kung anumang karumihang iyon, at kung hindi niya alam ito, sa gayon magkakasala siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Leviticus 5:17Kung nagkasala ang isang tao at gumawa ng anumang bagay na iniutos ni Yahweh na hindi dapat gawin, kahit na hindi niya alam ito, nagkasala pa rin siya at dapat niya dalhin ang kaniyang sariling pagkakasala.
Leviticus 15:31Ganito dapat kung paano ninyo ihiwalay ang mga taong Israelita mula sa kanilang karumihan, nang sa gayon ay hindi sila mamatay sanhi ng kanilang karumihan, sa pamamagitan ng pagdungis ng aking tabernakulo, kung saan ako nanirahan sa piling nila.
Leviticus 22:3Sabihin sa kanila, 'Sinuman sa inyong mga kaapu-apuhan sa buong angkan ng inyong mga tao na marumi kapag lumapit siya sa mga banal na bagay na inihandog ng mga tao ng Israel kay Yahweh, dapat ihiwalay ang taong iyon mula sa harap ko. Ako si Yahweh.
Numbers 8:7Gawin mo ito sa kanila upang gawin silang malinis: Iwisik mo sa kanila ang tubig na panlinis ng kasalanan. Paahitan mo sa kanila ang kanilang buong katawan, palabhan mo ang kanilang mga damit, at sa ganitong paraan gawing malinis ang kanilang sarili.
Numbers 15:30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao..