Mga Bilang 19:18
Dapat kumuha ang isang taong malinis ng isopo, isawsaw ito sa tubig at iwisik ito sa tolda, sa lahat ng lalagyang nasa loob ng tolda, sa mga taong naroon, at sa isang taong humipo sa buto, sa pinatay na tao, sa namatay na tao, o sa puntod.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 19:9Dapat tipunin ng isang taong malinis ang mga abo ng dumalagang baka at ilagay ang mga ito sa labas ng kampo sa isang malinis na lugar. Dapat itago ang mga abong ito para sa sambayanan ng Israel. Ihahalo nila ang mga abo sa tubig para sa paglilinis mula sa pagkakasala, sapagkat ang mga abo ay galing sa isang handog para sa kasalanan.
Psalms 51:9Itago mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan at pawiin ang lahat ng mga nagawa kong kasamaan.
John 15:2Inaalis niya sa akin ang bawat sanga na hindi nagbubunga, at nililinis niya ang bawat sanga na nagbubunga upang ito ay lalong mamunga ng higit pa.
John 17:19Alang-alang sa kanila itinalaga ko ang aking sarili sa iyo ng sa gayon sila din ay maitalaga sa iyo sa katotohanan.
Hebrews 9:14gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay?