The Bible Software
bible.softwareNumbersNumbers 19 › Numbers 19:20

Numbers 19:20

Ngunit ang sinumang mananatiling marumi, na tumatangging magpalinis ng kaniyang sarili—ititiwalag ang taong iyon mula sa sambayanan—dahil dinungisan niya ang santuwaryo ni Yahweh. Hindi pa naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan; mananatili siyang marumi.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

But the man that shall be unclean, and shall not purify himself, that soul shall be cut off from among the congregation, because he hath defiled the sanctuary of the LORD: the water of separation hath not been sprinkled upon him; he is unclean.

In Context

19Sa ikatlong araw at sa ikapitong araw, dapat wisikan ng taong malinis ang taong marumi. Dapat maglinis ng kaniyang sarili ang taong marumi sa ikapitong araw. Dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at maligo sa tubig. At sa gabi ay magiging malinis siya.

21Ito ay magiging isang patuloy na batas patungkol sa mga kalagayang ganito. Dapat labhan ng taong nagwiwisik sa tubig para sa karumihan ang kaniyang mga damit. Ang taong humawak sa tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa gabi.

Read all of Numbers 19

Cross References

Genesis 17:14Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan.

Leviticus 15:31Ganito dapat kung paano ninyo ihiwalay ang mga taong Israelita mula sa kanilang karumihan, nang sa gayon ay hindi sila mamatay sanhi ng kanilang karumihan, sa pamamagitan ng pagdungis ng aking tabernakulo, kung saan ako nanirahan sa piling nila.

Leviticus 22:4Wala sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na may nakakahawang sakit sa balat, o isang impeksiyong dumadaloy mula sa kaniyang katawan, ang maaaring kumain ng alinman sa mga alay na ginawa para kay Yahweh hanggang siya ay malinis. Sinuman ang hahawak sa anumang bagay na marumi sa pamamagitan ng paghawak sa patay, o sa pamamagitan ng paghawak sa isang lalaking may daloy ng semilya,

Numbers 15:30Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao..

Mark 16:16Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas at ang hindi naniniwala ay hahatulan.

Romans 2:4O hinahamak mo ang yaman ng kaniyang kabutihan, ang mga naantala niyang parusa, at ang kaniyang pagtitiyaga? Hindi mo ba alam na ang kaniyang kabutihan ay siyang aakay sa iyo sa pagsisisi?

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Numbers 19:20

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Numbers 19:19Numbers 19Numbers 19:21 →