Numbers 2:17
Susunod, dapat lumabas mula sa kampo ang tolda ng pagpupulong kasama ng mga Levita sa gitna ng lahat ng kampo. Dapat lalabas sila mula sa kampo sa parehong pagkakaayos gaya ng kanilang pagpasok sa loob ng kampo. Ang bawat lalaki ay dapat nasa kaniyang kinalalagyan, sa tabi ng kaniyang bandila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 1:50Sa halip, italaga mo ang mga Levita na ingatan ang tabernakulo ng toldang tipanan, at ingatan ang buong kagamitan sa loob ng tabernakulo at sa lahat ng kagamitang naroon. Dapat buhatin ng mga Levita ang tabernakulo at dapat nilang dalhin ang mga kagamitan sa nito. Dapat nilang ingatan ang tabernakulo at itayo ang kanilang kampo sa paligid nito.
Numbers 3:38Dapat magkampo sina Moses at Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa dakong silangan ng tabernakulo, sa harapan ng tolda ng pagpupulong, sa dakong sinisikatan ng araw. Sila ang mamahala para sa katuparan ng kanilang mga tungkulin sa santuwaryo at sa mga tungkulin ng mga tao ng Israel. Dapat patayin ang sinumang dayuhan na lalapit sa santuwaryo.
Numbers 10:21Humayo ang mga tribu ni Kohatita. Dinala nila ang kagamitan ng banal na santuwaryo. Nagtayo ang iba ng kanilang tabernakulo bago dumating ang mga Kohatita sa kasunod na kampo.
Colossians 2:5At bagaman hindi niyo ako pisikal na kasama, kasama ninyo naman ako sa espiritu. Nagagalak akong makita ang inyong mahusay na kaayusan at ang kalakasan ng inyong pananampalataya kay Cristo.