Numbers 3:38
Dapat magkampo sina Moses at Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa dakong silangan ng tabernakulo, sa harapan ng tolda ng pagpupulong, sa dakong sinisikatan ng araw. Sila ang mamahala para sa katuparan ng kanilang mga tungkulin sa santuwaryo at sa mga tungkulin ng mga tao ng Israel. Dapat patayin ang sinumang dayuhan na lalapit sa santuwaryo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 1:53Gayon pa man, dapat itayo ng mga Levita ang kanilang mga tolda sa paligid ng tabernakulo ng toldang tipanan upang hindi bumaba ang aking galit sa mga tao ng Israel. Dapat ingatan ng mga Levita ang tabernakulo ng toldang tipanan.”
Numbers 3:7Dapat nilang isagawa ang tungkulin sa pangalan ni Aaron at ang buong sambayanan sa harap ng tolda ng pagpupulong. Dapat silang maglingkod sa tabernakulo.
Numbers 3:23Dapat magkampo ang angkan ng mga Gersonita sa dakong kanluran ng tabernakulo.
Numbers 3:35Dapat pangunahan ni Zuriel na anak na lalaki ni Abihail ang mga angkan ni Merari. Dapat silang magkampo sa dakong hilaga ng tabernakulo.
1 Chronicles 6:48Ang kanilang mga kasamahang Levita ay itinalaga upang gawin ang lahat ng mga gawain sa tabernakulo na tahanan ng Diyos.