Numbers 20:28
Tinanggal ni Moises kay Aaron ang kaniyang kasuotang pangpari at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Namatay si Aaron doon sa tuktok ng bundok. Pakatapos, bumaba si Moises at Eleazar.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
27Ginawa ni Moises ang inutos ni Yahweh. Umakyat sila sa Bundok Hor sa paningin ng sambayanan.
Cross References
Exodus 29:28Ang mga bahagi ng laman na ito, na ibinigay ng mga Israelita, ay kailangang mabibilang kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Sa pamamalakad para sa mga handog sa pagtitipon, ito ay maging handog para sa mga pari na kinuha mula sa mga handog ng mga Israelita na mga handog na ipinakita sa akin, si Yahweh.
Numbers 20:1Kaya ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay pumunta sa ilang ng Sin sa unang buwan; nanatili sila sa Kades. Doon namatay at inilibing si Miriam.
Numbers 27:16“Nawa, Yahweh, ang Diyos ng espiritu ng lahat ng sangkatauhan, magtalaga ka ng isang tao sa buong sambayanan,
Numbers 33:38Umakyat ang paring si Aaron sa Bundok Hor ayon sa utos ni Yahweh at doon namatay sa ika-apatnapung taon matapos lumabas ang mga tao ng Israel sa lupain ng Ehipto, sa ikalimang buwan, sa unang araw ng buwan.
Deuteronomy 31:7Tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harapan ng buong Israel, “Magpakatatag at magpakatapang, sapagkat sasamahan mo itong lahi papunta sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno para ibigay sa kanila; Ikaw ang magdudulot sa kanila para manahin ito.
Deuteronomy 34:5Kaya si Moises ang lingkod ni Yahweh ay namatay doon sa lupain ng Moab, gaya ng salitang ipinangako ni Yahweh.