Numbers 20:4
Bakit mo dinala ang sambayanan ni Yahweh sa ilang na ito para mamatay dito, kami at ang aming mga hayop?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 5:21Sinabi nila kina Moises at Aaron, “Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami.”
Exodus 16:3Sinabi sa kanila ng mga Israelita, “Kung namatay na lang sana kami sa kamay ni Yahweh sa lupain ng Ehipto nang kami ay nakaupo sa tabi ng mga palayok ng karne at kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog. Pagkat dinala ninyo kami palabas dito sa ilang para patayin sa gutom ang aming buong komunidad.”
Numbers 11:5Naaalala namin ang isda na kinain namin nang libre sa Ehipto, ang mga pipino, mga pakwan, mga dahon ng sibuyas o lasuna, ang mga sibuyas, at bawang.
Numbers 16:13Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin!
Psalms 106:21Nilimot nila ang Diyos na kanilang tagapagligtas, ang gumawa ng mga dakilang gawa sa Ehipto.
Acts 7:39Ito ang lalaking tinanggihang sundin ng ating mga ninuno; siya ay itinulak nila palayo mula sa kanilang sarili, at sa kanilang mga puso sila ay bumalik sa Egipto.