Acts 7:39
Ito ang lalaking tinanggihang sundin ng ating mga ninuno; siya ay itinulak nila palayo mula sa kanilang sarili, at sa kanilang mga puso sila ay bumalik sa Egipto.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 14:11Sinabi nila kay Moises, “Dahil wala na bang mapaglilibingan sa amin sa Ehipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Bakit itinuring mo kami ng ganito, dinala mo kami palabas sa Ehipto?
Exodus 17:3Labis na nauuhaw ang mga tao, at nagreklamo laban kay Moises. Sinabi nila, “Bakit dinala mo kami palabas sa Ehipto? Para patayin kami at ang aming mga anak pati mga baka sa pagkauhaw?”
Numbers 14:3Bakit tayo dinala ni Yahweh sa lupaing ito upang mamatay sa pamamagitan ng espada? Ang ating mga asawa at mga maliliit na anak ay magiging mga biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na bumalik sa Ehipto?”
Judges 11:2Nagsilang din ang asawa ni Galaad ng iba pang mga lalaking anak. Nang lumaki na ang mga lalaking anak ng kaniyang asawa, pinilit nilang paalisin ng bahay si Jefta at sinabi sa kaniya, “Wala kang mamanahin na anumang bagay mula sa aming pamilya. Anak ka sa ibang babae.”
Nehemiah 9:16Pero sila at ang aming mga ninuno ay kumilos ng may kalapastanganan, at matigas ang ulo nila, at hindi nakinig sa iyong mga kautusan.
Psalms 106:32Ginalit nila si Yahweh sa katubigan ng Meriba, at nagdusa si Moises dahil sa kanila.