Numbers 22:18
Sumagot si Balaam at sinabi sa mga tauhan ni Balak, “Kahit na ibibigay sa akin ni Balak ang kaniyang palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako pwedeng sumuway sa mga salita ni Yahweh, ang aking Diyos, at gawin nang walang labis o walang kulang kung ano ang sinabi niya sa akin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 22:8Sinabi ni Balaam sa kanila, “Mamalagi kayo rito ngayong gabi. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang sasabihin sa akin ni Yahweh.” Kaya nanatili ang mga pinuno ng Moab kay Balaam sa gabing iyon.
Numbers 23:26Ngunit sumagot si Balaam at sinabi kay Balak, “Hindi ko ba sinabi sa iyo na dapat kong sabihin ang lahat ng sinabi ni Yahweh na sasabihin ko?”
Joshua 24:10Pero hindi ako nakinig kay Balaam. Sa katunayan, pinagpala niya kayo. Kaya iniligtas ko kayo mula sa kaniyang kamay.
1 Kings 22:14Sumagot si Micaya, “Habang nabubuhay si Yahweh, ito ang sinasabi niya sa akin na aking sasabihin.”
Job 3:15O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
Acts 8:20Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, “Masawi ka sana kasama ng iyong pilak, sapagkat iniisip mong makakamit mo ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng pera.